Mommy Maya and ate Abby's Girl Talk time!
(...after Abby's Birthday party...)
Maya : Happy Birthday ulit Baby!
Abby : Thank you mommy. ...sorry po ulit, nagtampo ako...
Maya : (...hugged Abby...) Nakikita mo ba yang mga punong yan? ...yun oh...
Abby : opo
Maya : Parang ganyan yung pagmamahal ko. Yung puno, kapit kapit nya yung mga dahon nya, at kahit na dumami pa yung mga dahon, patuloy pa rin sya sa pagkapit dito.
Abby : Are you a tree mommy?
Maya : ...naku baby pinapalalim-lalim ko pa kasi eh no...hindi, ang ibig ko lang namang sabihin, eh nadadagdagan na yung mga taong mahal ko, gaya ni Sunshine tsaka ni Sky, dumadami na yong mga taong mahal ko pero hindi ibig sabihin nun na nababawasan yung pagmamahal ko dun sa mga taong una kong minahal.
Abby : Like me?
Maya : oo, ikaw, si kuya Luke si ate Nikki, si Cho at sa lahat lahat ng mga taong mahal ko. Diba dapat ikaw din ganun?
Abby : Opo, nadadagdagan na rin po yung ilo-love ko...
Maya : ...at saka baby, ate ka na...pwede ka na bang maging ate kay Sunshine tsaka kay Sky?
Abby : Opo....Sky, Sunshine...sorry ha, nagselos ako pero, pangako ko, hindi na ako ulit magseselos and i promise, i will be the best ate, in town...
No comments:
Post a Comment